"Come to Me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest." -Matthew 11:28
weary - exhaust or tire through overuse or great strain or stress.
burdened - bearing a heavy burden of work or difficulties or responsibilities.
During my Christian walk, dumating ako sa point na nahihiya na akong lumapit kay Lord. Feeling ko kasi nagiging pabigat na ako sa Kanya. Feeling ko kaya ko naman i-solve yung mga problem ko because I was too confident that He is just beside me. True enough, hindi naman talaga Niya ako iniwan. His help is always ready. but the word is "ALWAYS READY", nandyan lang anytime na kailanganin mo. Nandyan lang Siya, nag-iintay na tawagin mo. The Lord has given us free will. Either we will turn to Him or not, it is our choice. He gave us the options.
And during those times na kinakaya kong mag-isa yung pagod at sakit, dun Niya pinarealize sakin na hindi ko talaga kaya. That I need to call Him right away kasi kung hindi, ako din ang kawawa sa huli. Dapat tanggapin ko sa sarili ko na kailangan ko yung tulong Niya. Nahihiya kasi akong lumapit sa Kanya kasi feeling ko palagi na lang akong humihingi ng tulong. Naisip ko kasi, kung sating mga tao yun, magsasawa tayo. Nag-assume ako na baka magsawa sakin si Lord pag palagi akong humihingi ng tulong sa Kanya. Nakalimutan ko na gustong gusto nga pala Niya yun. Na iba ang pagmamahal Niya para sa atin na mga anak Niya compared to the love of our friends here on earth. Gustong gusto Niya na lumalapit tayo sa Kanya at nagsasabi ng nararamdaman natin.
Sabi Niya nga sa Jeremiah 33:3 "Call to me and I will answer you and tell you great and unsearchable things you do not know." tawagin daw natin Siya. At hindi lang Niya tayo sasagutin, parang sinasabi Niya din na: "Wait! There's more! :)" sabi Niya "I will tell you great and unsearchable things you do not know." Anak, marami pa Akong ituturo sayo.
Every time na mababasa ko ang Jeremiah 33:3, I can't help myself but be amaze with God's love for His people. Palagi Siyang may nakahandang tulong at pagmamahal para sa atin. Basta tumawag lang tayo.
Prayer is not the privilege of the spiritual elite. Prayer is not for perfect people. Prayer is for people who have a need and a relationship with God that can fill that need.
No comments:
Post a Comment